© COPYRIGHT

© COPYRIGHT: Contents of this blog are original and copyrighted by the blog owner, unless stated otherwise. As such, they may only be reprinted and reposted in part or in whole with proper link to this blog [http://psychoerotic.blogspot.com].

Wednesday, August 20, 2014

Kay aga-aga, kumo-quote

It wasn't raining when Noah built the ark.

Monday, March 21, 2011

Gitna [Part 04] : Kwentong Pabaligtad

6:38PM

Hindi kami nagkita ngayon ni Jimmy. Hindi dahil walang panahon. Hindi dahil walang pag-uusapan. At hindi rin dahil naubos na namin ang beer sa buong Nueva Ecija.

Ayoko muna siyang makita. At palagay ko, ganu’n din siya sa ‘kin.

Mali.

Hindi dahil sa ayaw. Kundi dahil nalilito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita na ulit kami.

* * *

Lunes na lunes, hindi ako makapag-concentrate sa mga klase ko maghapon. Matatapos na ang school year. Marami nang kailangang habulin sa pagge-grades ng papers, paggawa ng exams, pag-check ng projects… Pati ‘yung mga extra-curricular activities ng mga estudyante na advisee ko, hindi ko maasikaso.

Pati itong pagba-blog, hindi ko maharap.

Mula nang magkakilala at maging magkaibigan kami ni Jimmy limang buwan na ang nakakaraan, halos araw-araw kaming nagti-text sa isa’t isa. Madalas, yayaan lang sa inuman. O kaya magpaparinig siya kung pwedeng sa amin maghapunan— tamad kasing magluto, nag-iisa lang naman daw siya sa apartment niya dahil ‘yung asawa’t dalawang anak niya ay nasa kanila sa ParaƱaque at ayaw sumama rito sa destino niya sa Nueva Ecija. O kaya gustong sumama sa tanghalian dahil naiinip sa presinto; sa ganito naman kasi kaliit na bayan gaya ng sa amin, ang pinakamaaksyon nang pangyayari ay ‘yung paminsan-minsang nakawan ng kambing o manok.

Lumindol pa kanina bago mag-alas-singko nang hapon. Nagsigawan sa pinaghalong takot, tuwa at excitement ‘yung mga estudyante.

At ngayon, alas-sais y media na, pero hindi pa rin siya nagte-text sa akin. Sabagay, hindi rin naman ako nagte-text sa kanya kaya patas lang.

Mapapagsarahan na ako ng gate ng eskwelahan. Dapat umuwi na ako. Dapat kanina pa.

Wala naman akong hinihintay. Wala namang dapat hintayin.

* * *

Kaninang lunch break doon ako nananghalian sa school canteen. Mula nang magkakilala kami, bihira na akong kumain doon. Madalas kasi, dinadaanan ako ni Jimmy sa eskwelahan para mag-lunch sa Elvie’s. Naisip ko nga kanina na doon na mananghalian. Pero naisip ko na baka doon din siya kumain, baka magkita kami, baka hindi namin alam kung ano ang gagawin at sasabihin sa isa’t isa. Magbabatian? Magtitinginan? Magtatanguan? Para namang magkakilala lang. O hindi na lang magpapansinan? Parang ni hindi man lang magkaibigan.

Sabagay ngayon hindi ko na sigurado kung magkaibigan nga kami.

* * *

Tinanong ako ni Nanay kaninang umaga habang nag-aalmusal kung sa bahay maghahapunan si Jimmy. Sabi ko, hindi ko ho alam. Hindi siguro.

Sabi ni Nanay, bakit hindi?

Sabi ko, ewan.

Bakit hindi mo alam?

Bakit ko naman ho kailangang malaman?

Tumunog ‘yung cellphone. Kinuha ko.

Aba e para malaman ko kung gaano karami ‘yung iluluto ko mamaya. Umagang-umaga e sandamukal ang pagmumukha nitong batang ito.

Forwarded message galing kay Mia— ‘yung isang estudyante ko sa Calculus na may crush at nagpapa-cute sa ‘kin.

* * *

Kahapon, nasa kwarto lang ako. Nagbasa, nag-isip, nag-check ng papers, nag-isip, nag-type ng final exams, nag-isip, nanood ng porn, nag-isip, nag-jakol, nag-isip.

Mula pagkagaling sa misa nu’ng umaga, hanggang kagabi.

* * *

Nu’ng dumating ako kahapon nang umaga sa bahay, mag-aalas-singko y medya na. Nagbibihis na sila Nanay para magsimba nang alas-sais. Tamang-tama raw at sumasakit daw ang rayuma ni Tatay. Hindi makakapagneho.

Bilisan mo nang magbihis para makaalis na agad at nang hindi tayo maubusan ng upuan sa simbahan, sabi ni Nanay. Nasaan ba si Jimmy? At bakit hindi muna bumaba ng kotse para magkape?

Hindi ho ako ‘hinatid, sabi ko.

Pa’no ka nakauwi?

Naglakad.

Naglakad?

Naglakad. Me paa naman ako e.

Pilosopo. O siya, bilisan mo.

Nagpalit lang ako ng polo.

Para namang ahas itong batang ito… kung saan maiwan ang pinaghunusan… Sinabi nang idiretso na ‘reng mga pinagbihisan sa marumihan e. At bakit ba napakalamig nitong pawis sa t-shirt mo?

Tsaka naghilamos.

Lasang beer pa ang laway ko. Pero ayokong mag-toothbrush.

* * *

Nu’ng nakaraang gabi, Sabado, habang kinakain namin ‘yung pinadala ni Nanay na sinigang na baboy, kapansin-pansin ang sobrang katahimikan ni Jimmy. Kabaligtaran du’n sa kakulitan niya nu’ng nagte-text siya bago ako dumating.

Pagkatapos kumain, tahimik niyang niligpit ‘yung pinagkainan namin.

Naasiwa ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng hindi nag-uusap, ng parang may gustong sabihin at itanong pero ayaw magsalita.

Sabi niya alam niya ang lahat ng sinasabi niya at lahat ng nangyayari kahit lasing siya. Alam kaya niyang nu’ng madaling-araw na umuwi kami galing sa kabaret at nasuntok ko siya, nu'ng halos malasing ako sa amoy ng cologne / pawis / beer at muntik ko nang halikan ang leeg niya, nu’ng halos yakapin ko siya, nu’ng paulit-ulit kong daanan ng polo niya ‘yung utong niya?

Alam kaya niyang nakayakap siya sa akin nu’ng natutulog siya.

At alam kaya niyang hindi ko inalis ‘yung pagkakayakap niya, kahit hindi naman talaga ako natutulog nu’ng mga oras na ‘yun.

At alam kaya niyang gising ako at nanonood habang nagbibihis siya?

Una na ‘ko.

Kinuha ko na ‘yung pinaglagyan ng sinigang na baboy. Mahilig mamigay ng ulam si Nanay; pero nagagalit kapag hindi naibabalik agad ‘yung mga mangkok at mga lalagyan.

Sandali lang. Malamig na ‘yung beer na dala mo.

Maaga pa klase ko bukas.

Two rounds lang.

One… Two… Three… Four… Five… Six…

Naubos ‘yung kalahating case ng beer na dala ko. At inabot kami ng ala-una nang madaling-araw sa pag-inom. Nang tahimik. Walang umiimik. Parehong nag-iisip. O naghihintayan kung sino ang mauunang bibigay at magsasalita.

Beer? Beer pa? O beer pa. May beer pa ba? Gusto mo pa ng beer? Bili pa tayo ng beer?

Puro ‘yun lang ang nasabi namin sa isa’t isa buong magdamag.

Nu’ng una, kinakabahan ako kung ano ang pag-uusapan namin. Pero nang patugtugin na ang Lupang Hinirang, at isa-isa nang mag-sign off ang mga tv station, nainip na ‘ko.

Pagtingin ko sa kanya, tulog na sa sofa.

Alis na ‘ko. Niyugyog ko siya para magpaalam. Lock mo ‘yung pinto tsaka ‘yung gate.

Hindi kumilos. Niyugyog ko ulit.

Umungol. Tapos, tulog ulit.

Napagmasdan ko ‘yun mukha niya— moreno, makinis, makapal ang kilay, malaki pero malamlam na mga mata, mahaba at malago ang pilik-mata, matangos ang ilong, labi na parang laging namamaga.

Hinaplos ko ang pisngi n’ya, pinadaanan ko ng mga daliri kong parang kinukuryente ‘yung dulo ng ilong n’ya, ‘yung kilay n’ya, ‘yung labi n’ya. Dinama ko ‘yung gaspang ng bigote at balbas niya na tsumatsambang tumubo kahit na tuwing umaga naman ay inaahit.

Nawala ang pagkalasing ko. Parang nakikipagkarerahan ang pintig ng puso ko. Pinagpawisan ako nang malamig.

Pinisil ko ng hinlalaki ko ‘yung labi niya. Bumuka nang bahagya. Nakita ko ‘yung ngipin niya. Naramdaman ko ‘yung init ng hininga niya.

Inilapit ko ‘yung mukha ko sa mukha niya. ‘Yung bibig ko sa bibig niya. Halos magdikit na. Hinayaan kong dumampi sa labi ko ‘yung init ng hininga na nanggagaling sa bibig niya.

Ibinaba ko ‘yung mukha ko leeg niya. Naroon ‘yung amoy na nakasanayan at ‘di ko namamalayang hinahanap-hanap ko na. ‘Yung amoy ng pinaghalong cologne niya at pawis niya. Pakiramdam ko, nalasing ako sa amoy.

Nakabakat ang utong niya sa suot na t-shirt. Marahang kong diniinan ng dulo ng isang daliri. Naramdaman kong tumigas. At lalong bumakat.

Bahala na. Marahan at bahagyang-bahagya kong hinimas ng palad ko ‘yung dibdib at tiyan niya. Dinama.

Lumalim ang hininga niya.

Naalimpungatan. Para akong dagang sinilaw ng flashlight. Tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Tapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. At bumalik sa pagtulog.

Tumabi na rin ako sa kanya.

Ang sarap ng pakiramdam ko. Kahit nasa sofa lang, nagkasya kaming dalawa.

Nakatalikod ako sa kanya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa dibdib ko. Nakikiliti ako sa mainit at mabangong hininga niya na tumatama sa batok at likod ng tenga ko. Nakadantay ‘yung kaliwang hita niya sa hita ko.

Nararamdaman ko ‘yung titi niya na matigas na tumatama sa likuran ko.

Niyakap ko rin ‘yung mga bisig niya na nakayapos sa akin. Mukhang nakakasanayan ko na ‘to.

Nakatulog ako nang mahimbing.

Naalimpungatan na lang ako nang kumislot siya. Alas-singko na pala. Oras na ng gising niya. Gaya nu’ng magising siyang nakayakap sa akin noong Sabado nang umaga, pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya ngayon.

Naramdaman kong nag-iba na ang paghinga niya, at naghikab. Pero hindi bumangon. At pagkatapos mag-inat, muling marahang ibinalik ‘yung pagkakayapos sa ‘kin. Parang ayaw magparamdam. Parang ayaw akong magising.

Patuloy akong nagkunwaring natutulog. Hindi ako kumilos kahit nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin.

Kahit nu’ng dahan-dahang niyang ikinikiskis ‘yung matigas niyang titi sa gilid ng hita ko.

Kahit nu’ng unti-unti niyang ilapit ‘yung bibig niya sa bibig ko.

Pero nu’ng dumampi ang labi niya sa labi ko, at maramdaman kong hinahalikan niya ako, hindi ko na napigilang yakapin siya sa leeg para lalong idiin sa bibig ko ‘yung bibig niya.

Nagulat siya. Pero mahigpit ang pagkakayapos ko sa kanya. Muli siyang lumaban ng halikan.

Mariin. Kinagat ko ang labi niya. Pinadaan niya ang dila niya sa labi ko. Inilabas ko ang dila ko para kumiskis sa dila niya. Bahagya niyang kinagat ang dila ko, sinipsip. Pinakiwal ko ang dila ko sa loob ng bibig niya.  Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nalasahan ko ang laway niya. Lasang beer na lasang laway. Masarap.

‘Yung amoy niya, gusto kong malanghap nang malaya. Gusto kong singhutin nang husto. Ibinaba ko ‘yung mukha ko sa gaspang ng balbas niyang nagsisimula nang tumubo, sa leeg niyang nanlalagkit sa pawis.

At nandoon ang pinaghalong cologne at pawis na halos limang buwang kong panakaw na inaamoy. Sininghot ko nang husto, pero hindi nauubos. Lalo lang tumitindi. Kinakagat ko ang leeg niya, dinilaan. Pati ‘yung adam’s apple niya.

Halos mabali ang leeg niya sa sobrang pagliyad. At halos mabali ang leeg ko sa higpit ng pagkakayapos niya.

Nagkikiskisan ang mga katawan namin. Parehong nanginginig. Parehong nag-iinit. Parehong hindi malaman kung saan pupuwesto.

Muli niya akong hinila paitaas, at siya naman ang humalik sa leeg ko. Kinakagat-kagat niya.

Nang muling magsugpong ang mga labi namin, sakto ang katawan namin sa isa’t isa. Nararamdaman ng mga utong ang pagtayo ng mga utong niya; ang tigas ng dibdib at tiyan ko sa dibdib at tiyan niya; ang pagkiskis ng titi niya sa titi ko.

Lalo naming diniinan ang pagkikiskisan ng harapan.

Hindi pa kami nasiyahan. Mabilis naming hinubad ang t-shirt namin. Pinagsawa namin ang mga mata at kamay namin sa pagtingin at pagdama sa katawan ng isa’t isa. Parehong kaming nanginginig. Pareho kaming nanlalamig. Pareho kaming pinagpapawisan.

Ang sarap hawakan at haplusin ng katawan niya. Madulas, makinis, matigas.

Naramdaman ko ang labi niya sa dibdib ko. Dinilaan niya ang kaliwang utong ko. Matagal. Tapos ay pumalit ‘yung kamay niya sa paglamas hanggang halos mamaga na. Lumipat naman ang dila niya sa kanang utong. Hinimod.

Halos panawan ako ng ulirat. Pakiramdam ko, basang-basa na ang briefs ko sa loob ng pantalon ko.

At alam ko, pulang-pula na ang likuran niya dahil sa lakas ang paglapirot at pagkalmot ko.

Palitan, at pabalik-balik kong sinipsip ang mga utong niya.

Tapos, parang tatalon sa isang malamig na swimming pool, huminga ako nang malalim. At dahan-dahan kong hinawakan ang titi n’ya.

Matigas na matigas. Dinama ko sa loob ng shorts niya. Ibinaba ko ang kamay ko sa malagong balahibo niya sa binti. Pataas sa tuhod. Pataas sa hita. Pataas. At papasok sa loob ng shorts. Wala siyang briefs.

Nang ibababa ko na ‘yung shorts n’ya, pinigilan niya ako. Pero hindi na ako nagpapigil. Sa halip, hinalikan ko ulit siya sa labi.

Tsaka ko itinuloy ang pagbaba sa shorts niya.

At sa unang pagkakataon, nakita ko ang kabuuan ng katawan niya. Hubu’t hubad. Mula ulo, leeg, dibdib, tiyan, titi, singit, hita, binti, hanggang paa. Iba sa katawan ng babae ng nakasanayan ko nang tingnan, damhin at pagparausan. Iba, pero magandang tingnan. Masarap hawakan. At parang masarap tikman.

Hindi ako sanay makakita ng titi ng ibang lalaki. At hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa buong buhay ko.

Hahawakan ko na sana ‘yung titi niya nang pigilan niya ako. Pinatayo niya ako sa harapan niya, inalis ang sinturon, binuksan ang zipper, at mabilis na ibinaba ang pantalon ko. Bukul na bukol sa suot kong briefs ‘yung titi ko. Basang-basa na nga ‘yung gawi ng ulo. Dinama niya ito, hinimas, dinilaan.

Tapos ay marahan niyang ibinaba ang briefs ko. Nakatitig siya habang unti-unting lumalabas ang puno, tapos ay ang katawan ng titi ko. Nang lumabas ‘yung ulo, biglang itong umigkas at tumama sa baba niya.

Magkapareho ang mga titi namin. Halos magkasinghaba at magkasingtaba. Nang hawakan niya, lumagpas ng ilang pulgada sa kamay niya. At halos hindi mag-abot ang mga daliri niya. Itinaas-baba niya ang kamay niya. Pumulandit ang likido mula sa ulo. Sinalo niya ng dila niya. Nakita ko, nilunok niya.

Halos mabaliw ako sa sarap.

Hinila niya ang titi ko, para mapaupo ako sa tabi niya. Itinulak niya ako pahiga. Tsaka siya pumagitna sa hita ako. Patuloy niyang itinaas-baba ang mga kamay niya sa titi ko. Hinaplos ang singit ko. Mayamaya pa, sinimulan na niyang dilaan ang butas nu’ng ulo, tapos ay ‘yung buong ulo, tapos ay sinubo niya. Ibinaba niya ang bibig niya.

Nararamdaman ko ‘yung ngipin niya. Nasasaktan ako.

Hindi rin siya sanay. Una rin ito sa kanya.

Pinaikot ko siya sa ibabaw ko. Natapat sa mukha ko ‘yung titi n’ya. Naramdaman kong muli niya ‘kong isinubo. Hindi ko na nararamdaman ‘yung ngipin. Wala nang sakit. Puro sarap na lang.

Ngayon lang din ako nakahawak ng titi ng iba. Gusto ko nang isubo. Inilapit ko muna sa bibig ko. Inamoy. Nakakalasing ang pinaghalong amoy ng beer at bahagyang pawis. Parang ang sarap dilaan.

Dinilaan ko.

Nakiliti siguro, o nasarapan, biglang kumadyot si Jimmy. Tumama ang ulo ng titi niya sa ngipin ko. Ayokong ibuka dahil hindi pa ako handa. Kailangan kong dahan-dahanin ang sarili ko. Pero ayaw papigil ni Jimmy. Kumadyot siya ulit. Sa pagkakataong ito, ibinuka ko na nang bahagya ang bibig ko. Tuluyan nang pumasok ang titi niya sa loob.

Naramdaman ng bibig ko ‘yung lambot sa labas, at tigas sa kaibuturan ng pagkalalaki niya. ‘Yung malagkit, madulas at maalat na likido na galing du’n sa butas.

Naduwal ako.

Pero masarap. Kaya muling kong binalot ng bibig ko ‘yung pagkalalaki niya. Sinipsip. Hinimod. Dinilaan. Bahagyang kinagat ‘yung katawan. Dinutdot ng dulo ng dila ‘yung butas.

Hinimas ‘yung dalawang bayag. Kiniliti. Dinilaan. Isinubo.

At muling bumalik sa titi n'ya.

At hinimas, nilamas ‘yung puwet, singit, hita, binti, likod, at kung anumang parte ng katawan niya na abot ko. Parang gusto ko siyang angkinin nang buung-buo.

Malapit na akong labasan. Kinakadyot ko na ‘yung bibig niya. Kumakadyot na rin siya sa bibig ko.

At biglang naramdaman ko ‘yung pagputok niya sa loob ng bibig ko. Malakas. Marami. Mainit. Gusto ko sanang lunukin 'yung tamod n'ya pero hindi ko magawa dahil punum-puno ‘yung bibig ko ng titi niya.

Isinagad niya lalo ang pagkadyot sa bibig ko. Lalo kong hinigpitan ang bibig ko. Lalo kong nilakasan ang pagsipsip. Sumagad sa kaloob-looban ko ‘yung titi niya. Umabot sa ilong ko ‘yung bayag niya. Sa lalamunan ko, naramdaman kong pumutok pa siya nang ilang beses.

Binilisan na rin niya ang pagtaas-baba ng bibig niya sa titi ko. Parang kinukuryente ang buong katawan ko. Naramdaman kong mula sa loob ng katawan ko, gumuhit sa titi ko ‘yung tamod ko, lumabas sa butas, at pumuslit sa loob ng bibig niya. Hindi rin niya iniluwa. Bagkus, naramdaman kong nilakasan niya ang pagsipsip. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal ng bibig niya sa titi ko.

Ilang puslit pa ng tamod ang inilabas ko sa loob ng bibig niya.

Halos sabay naming pasipsip na iniluwa ‘yung titi ng isa’t isa. Nakita kong alangan siya, pero dahan-dahan niyang nilunok ang tamod ko.

Gusto ko ring tikman ang tamod niya. Malapot, malagkit, madulas, maalat-alat, mapakla, manamis-namis. Pinaikot ko sandali sa dila ko. At marahang nilunok.

Masarap.

Plakda ako sa sofa. Nakadapa siya sa akin. Magkayakap kami.

Walang salitaan. Pareho kaming humihingal.

Muling naglapat ang mga labi namin. Nalasahan namin ang sari-sariling katas namin.

At muli naming kinilala ang kasuluk-sulukan ng katawan ng isa't isa. Muling lumibot ang mga kamay, ang labi at dila namin sa kabuuan ng aming pagkatao.

Pagtingin ko sa orasan, alas-singko y dies pa lang. Sampung minuto lang ang nakakalipas.

Bumangon si Jimmy. Gumawa ng kape sa coffee maker. At pumunta sa banyo para maligo.

Nang maamoy ko na gawa na ‘yung kape, bumangon na rin ako para magbihis.

Naguguluhan ako. Gusto ko nang umalis. Lumayo. Makapag-isip.

Pero gusto ko ring magpaalam muna. Makipag-usap. Magtanong. Magsabi ng saloobin.

Pero hindi ko alam kung saan dapat simulan ang usapan.

Nang lumabas siya ng banyo, nakatapis na siya ng tuwalya. Gumuguhit ang ilang patak ng tubig mula buhok, papunta sa dibdib at likod. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

Ihinanda ko ‘yung kape habang nagbibihis siya.

Pero habang magkaharap kami at umiinom ng kape, hindi kami nag-uusap. Walang mapag-usapan, o wala nang kailangang pag-usapan, o naghihintayan… Hindi ko alam.

Nang maubos na ‘yung kape, tumayo ako para umuwi na.

Uwi na ‘ko, sabi ko.

Ingat ka, sabi niya.

Hindi niya 'ko inalok na ihatid ako gaya ng dati. Hindi rin niya inalok na dalhin ko ‘yung kotse n’ya, gaya rin ng dati.

Nasa labas na ako ng pinto nang maalala ko ‘yung pinaglagyan ng sinigang na baboy. Pero ayoko nang bumalik ulit sa loob ng apartment ni Jimmy. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pauwi.

Siguradong magagalit si Nanay.

Bahala na.
.

Saturday, March 19, 2011

Gitna [Part 03] : Whr Na U?

3:55PM
Wht tym ka bbalik?

4:23PM
Wht tym ka bbalik?

4:53PM
Ui rply ka nmn.

5:11PM
Sorry. Just woke up.

5:12PM
Sbi mo knina 'di ka mk2log. Y kkgcng mo lng? Wht tym ka bbalik?

5:19PM
Chk muna ko papers.

5:23PM
Sabi nga sau d2 ka na lng chk ppers.

5:24PM
Tapusin ko lang to tapos punta na ko jan.

5:27PM
Wht tym?

5:33PM
Mamaya. Aftr dinnr.

5:33PM
Now na. Need ko na ung kotse. Wla ko mgamit. Gutom na ko. Wla ko fud d2 sa apt.

5:47PM
Sabi ko na nga ba dapat di ko na dinala kotse.

5:47PM
Sige. Dalin ko jan in a whyl.

6:01PM
Dala ka na rin fud? Hehehe.

6:03PM
Tingnan ko if nakaluto na si Nanay.

6:04PM
Hehehe.

6:09PM
Sinigang na baboy dw.

6:10PM
Ui sarap. Dala ka na rin patis.

6:23PM
Asan na? Gutom na 'ko?

6:29PM
Wait lang. Pinapalambot pa. 10mins.

6:31PM
Tagal naman.

6:45PM
Ui

6:51PM
Naligo lang ako sandali. Paalis na haus.

6:51PM
Luto na rice d2.

6:55PM
On d way na.

6:56PM
Dala k n rn beer.

6:58PM
Kakainom lng ntin kagabi. May hangovr pa. Wla pa ko tulog.

6:59PM
Sabi mo knina kkgcng mo lng.

7:00PM
Cge na. 2 rounds lng.
.

Gitna [Part 02] : Ganito Mag-Move On

12:06PM

Usapan namin, two rounds lang. Pero, as usual, inumaga na naman kami ni Jimmy sa pag-inom. Alas-sais na ako nakauwi kaninang umaga. Pero hanggang ngayon, hindi pa ako makatulog.

Hindi ako makapakali. At ayaw akong dalawin ng antok.

Kagabi, gaya ng dati, sinundo niya ako sa bahay namin nang alas-siyete para isang kotse na lang ang gagamitin namin. 'Yung sa kanya. Maghahapunan na kami nu'n ng parents ko tsaka nu'ng dalawa kong pamangkin nang dumating si Jimmy. Kaya sumalo muna siya sa amin bago kami umalis.

Halos limang buwan na mula noong dumating siya sa bayan namin bilang hepe, at halos limang buwan na rin niya akong sinusundo sa bahay namin ilang beses sa isang linggo para lumabas at uminom, kaya naman halos limang buwan na rin niyang "natitiyempuhan" na naghahapunan kami at "pinipilit" nila Nanay na sumalo na sa pagkain.

At halos limang buwan na rin na kapag may mga gabing hindi siya dumarating sa bahay, hinahanap na siya nila Nanay.

Pagkatapos maghapunan, umalis na rin kami agad. Mukhang excited siya. May iba raw kaming pupuntahan ngayong gabi.

Dinala n'ya 'ko sa isang kabaret na may mga babaeng nagsasayaw nang hubu't hubad. Halos bente-minutos kaming bumiyahe pa-Bulacan bago nakarating. Hindi ito sakop ng jurisdiction niya, at pareho kaming hindi kilala rito.

Nabalitaan daw niya ang lugar na ito sa mga tauhan niyang pulis sa amin.

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng kabaret, napansin niya agad na sandali lang ang pagkabigla ko. Mabilis na nagliwanag ang mukha ko sa sobrang saya. Bihirang-bihira lang ako makapunta sa mga ganitong lugar. Binibitbit lang ako ng mga dati kong kaklase nu'ng college kapag nagkikita-kita kami sa Manila.

Nang makaupo na kami ni Jimmy, napako agad ang tingin ko sa mga babaeng nagsasayaw sa stage. Hindi gaanong magaganda, pero dahil sa ilaw, parang ang kikinis at ang gaganda ng katawan.

Nagulat na lang ako nang biglang niyang ilapit sa mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit ang mga pisngi namin. Halos magkiskis ang mga labi namin. Amoy na amoy ko ang cologne na nahalo na sa pawis niya.

"Sinasabi ko na nga ba... Sagung-sago ka na!" May sinasabi pala siya na hindi ko narinig dahil sa lakas ng tugtog kaya inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Natawa lang ako. Sabay tungga ng beer.

Dalawang babae ang lumapit sa amin. Kinandong n'ya kaagad 'yung isa. 'Yung isa sa akin daw.

Aaminin ko, mula noong magkahiwalay kami nu'ng girlfriend ko three years ago, bihirang-bihira na akong makipag-date. At mas bihira 'yung pagkakataong na makipag-sex ako.

Dati, ang hilig ko sa sex. Mula nang matutunan ko 'yun, lagi ko na 'yun ginagawa tuwing may pagkakataon. O, kaya naman, talagang gumagawa ng pagkakataon. Isa 'yun sa mga lagi naming pinag-aawayan nu'ng ex ko. Halos puro sa sex na lang daw umiikot ang relasyon namin. Gusto naman daw niyang magkwentuhan kami, lumabas kasama ang mga kaibigan, mamasyal, manood ng sine.

At nakilala niya 'yung kasamahan niyang writer sa magazine sa Quezon City. Napasarap siguro sila sa kwentuhan at pamamasyal kaya nabuntis siya, at napilitang magpakasal.

Yumapos agad 'yung babaeng kinuha ni Jimmy para sa akin. Panay ang hagod sa dibdib at likod ko. At humahalik na agad. Mabilis na nag-init ang pakiramdam ko. Pero ayoko. Iniisip ko pa lang na magbabayad ako nang mahal, kukuha ng kwarto sa motel, maghuhubad, maliligo, makikipag-sex, maliligo ulit, mag-a-alcohol sa katawan, ihahatid 'yung babae sa sakayan, uuwi-- napapagod na 'ko.

Nagpaalam ako du'n sa ka-table ko para magsigarilyo sa labas. Kailangan kong magpahangin. Kailangan kong isipin kung bakit wala pa rin akong ganang makipag-relasyon, o kahit makipag-sex man lang. Tama ba ang sinasabi ng mga tao na hindi pa rin ako nakaka-move on? Na apektado pa rin ako sa paghihiwalay namin nu'ng ex ko?

Ayokong isipin 'yun. Ayokong tanggapin. Magdadalawa na ang anak niya at nu'ng napangasawa niya pero ako nabubuhay pa rin sa nakaraan.

Nang biglang umakbay sa 'kin si Jimmy. Lasing na. Hindi lang siya amoy cologne at pawis ngayon. May kahalo nang amoy beer.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

Inilayo ko ang buga ng usok ng dahil hindi naman siya nagsisigarilyo. Pero dahil siguro sa sobrang kalasingan niya, lalo niyang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. Nakadikit na ang bibig niya sa tenga ko.

"Ubusin ko lang 'tong yosi ko. Balik ako agad sa loob," sabi ko sa kanya habang nagsisindi ng panibagong stick.

"Tama na 'yang drama. Three years na 'yun, Bro."

Doon nagpanting ang tenga ko. Alam ng lahat na ayokong pinag-uusapan ang tungkol sa amin nu'ng ex ko. Hindi na lang ako kumibo para matapos na ang usapan. Pero hindi siya tumigil.

"Kailangan mo nang ma-in love ulit para maka-move on ka na."

Ayoko siyang sigawan dahil ayokong gumawa ng eksena. Kaya inilapat ko ang bibig ko sa tenga niya para kahit mahina, marinig niyang mabuti ang sasabihin ko.

"'Tang ina mo, Jimmy... Sinabi nang 'wag na 'wag mong babanggitin 'yan, e."

Pero tumawa lang siya. Napikon na ako nang tuluyan.

Sinuntok ko siya.

* * *

Hindi na natuloy na ilabas namin 'yung mga babaeng kinuha niya. Nu'ng suntukin ko siya, bumagsak siya sa lupa. Duguan ang nguso. At hindi na makabangon ulit dahil sa sobrang kalasingan. Binuhat ko na lang siya, at dinala sa kotse. Bumalik ako sa loob para bayaran 'yung nainom at nakain namin.

Hindi ko siya pwedeng iwanang mag-isa dahil hindi naman niya kayang magmaneho. Hindi ko rin naman pwedeng iuwi sa amin dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kila Nanay kung bakit duguan ang nguso ni Jimmy.

Dumaan na lang ako du'n sa 24-hour grocery store bayan at bumili ng alcohol at bulak. At idiniretso ko na lang 'yung kotse sa apartment na nirerentahan niya.

Halos alas-tres na nang dumating kami kanina sa apartment niya. Naalimpungatan naman siya bago bumaba ng kotse. Pero gumegewang na siya sa paglalakad. Kailangang alalayan para hindi mabuwal o bumangga sa dingding.

Habang nakaalalay ako sa katawan niya, nararamdaman ko ang tigas ng muscles ng dibdib at likod niya. Nakaakbay siya sa akin kaya nakadikit ang mukha ko sa may leeg niya. Lalong tumindi ang lakas ng amoy cologne / pawis / beer niya. Halos malango ako sa bango. Habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya, hindi ko alam kung bakit pero na-curious ako-- lalo kong idinikit ang mukha ko sa leeg niya. Sininghot ko ang amoy niya.

Muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko na halikan ang leeg, ang mukha, ang labi niya.

Ihiniga ko siya sa kama niya. At ginamot ang nguso niya na pumutok dahil sa pagkakasuntok ko kagabi. Napansin kong pawis na pawis siya kaya binuksan ko 'yung aircon. Inalis ko 'yung sapatos at medyas niya. Tapos ay hinubad ko 'yung polo niya.

Pinahid ko ng polo niya 'yung pawis sa dibdib at likod niya. Tapos ay pinahid ko ulit. Mas mabagal. Himas na lang halos. Tuwing dadampian ng polo 'yung utong niya, tumitigas 'yun. Inulit-ulit ko.

Parang gusto ko nang hawakan.

Bago ko pa tuluyang hindi mapigilan ang sarili ko, tumayo na ako para umalis. Pero hinawakan niya ang kamay ko. At hinila para tumabi sa kanya.

Pagtingin ko sa alarm clock, mag-aalas-kwatro na.

Hindi na lang ako umuwi. Tumabi na lang ako sa kanya sa kama.

At hindi na nga ako nakatulog. Ayaw akong dalawin ng antok.

Samantalang siya, himbing na himbing dahil sa sobrang kalasingan. Kaya siguro hindi niya namalayan na nakadantay ang kamay niya sa dibdib ko. At 'yung hita niya, nakapatong na harapan ko. Kaya tuwing kikilos siya, kumikiskis. Hindi ko mapigilang tigasan.

Tulog naman siya. At nasasarapan naman ako. Kaya pinabayaan ko lang.

Tutal ay hindi ako makatulog.

O baka naman hindi ako makatulog dahil doon.

Hindi ko alam.

Ayokong malaman ang sagot. Hindi pa ako handa.

* * *

Matagal kong pinanood ang mga nagsasayaw na anino sa kisame. Naging musika na sa pandinig ko ang huni ng aircon at 'yung mahinang hilik n'ya.

Pakiramdam ko nakalutang ako at nakatingin sa katawan ko na nakahiga sa kama at may nakadantay na lalaki. Hindi ko malaman ang iisipin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang nararamdaman ko.

* * *

Nu'ng mag-alas singko na, naramdaman kong kumilos na si Jimmy. Ito ang oras ng gising niya, kaya nagtulug-tulugan ako. Naramdaman kong naalimpungatan na siya. Sinilip ko kung ano ang magiging reaksyon niya pagkakitang magkatabi kami sa kama, halos nakayakap na siya sa akin, at nakapatong ang hita niya sa harapan ko.

Nakita kong makaraang kusutin ang mata, marahan siyang bumangon. Narinig ko ang ingay sa kusina. Tapos narinig ko siyang naliligo sa banyo. Mayamaya pa, naamoy ko na 'yung kape sa coffee maker. Bumalik siya sa kwarto, nakatapis na lang ng tuwalya. Hindi niya binuksan ang ilaw. Iniisip pa rin niyang tulog ako at ayaw niya akong magising.

Tumalikod siya sa akin para buksan ang kabinet niya. Kumuha siya ng isang shorts at isang sando. Tapos ay hinubad niya ang tuwalyang nakatapis sa kanya. Sa malamlam na liwanag ng bukang-liwayway, nakita ko ang hubad na katawan ni Jimmy. Moreno siya, pero parang umiilaw sa dilim. Babagya pa lang ang liwanag pero para siyang inukit sa bato. Perpekto. Mula ulo, hanggang batok, hanggang likod, hanggang puwit, hanggang hita, hanggang binti, hanggang paa.

Pinahid niya ang natitira pang tubig sa katawan niya. Tapos ay isinuot ang shorts at sando. Walang briefs.

Bago siya lumabas ng kwarto, tiningnan niya ako sa pagkakahiga ko. Hindi ako makakilos. Baka mahalata niyang gising na ako at pinanonood siya.

Alam kong pinagpapawisan ako nang malamig. At kinakapos ako ng hininga. Mabuti na lang at madilim-dilim pa. Kung hindi, siguradong makikita niya ang pamumula ng mukha ko.

* * *

Pagkalabas niya ng kwarto, alam kong nagsusulat na naman siya sa notebook niya ng mga idea at plano niya habang nagkakape. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako tumayo at lumabas ng kwarto.

Nakangiti agad siya pagkakita sa akin. Parang hindi siya nalasing kagabi. Parang hindi isang oras lang ang tulog niya. Buhay na buhay na agad siya. At ang ganda na agad ng ngiti niya. Kahit pa medyo namamaga 'yung nguso niya.

"Kape muna."

"Uwi na 'ko. Hahanapin ako nila Nanay."

"Mamaya na 'pag lumiwanag na."

Kumuha ako ng kape. At naupo sa harap niya. Alam kong namamaga na 'yung mata ko, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Para pa ngang lalo akong nagising pagkakita ko sa kanya at sa ngiti niya.

"Masakit pa 'yang nguso mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Medyo manhid lang nang konti."

Natawa ako.

"Kulit mo kasi, e."

"'Di, a. Pikon ka lang masyado."

Sarcastic ako. "Bakit, natatandaan mo ba 'yung nangyari?"

"Oo naman. Lasing na lasing lang ako kaya ako bumagsak pero hindi naman ako 'yung tipong nawawalan ng malay. Kaya kahit bangag ako, alam ko lahat ng mga sinasabi ko. Alam ko lahat ng mga nangyayari."

Lumakas ang pintig ng puso ko. Naisip ko kung alam din kaya niya na halos halikan ko 'yung leeg niya habang nakayakap ako sa kanya nu'ng inaalalayan ko siya papasok sa apartment at sa kwarto niya? Alam kaya niya noong hinubaran ko siya at pinahid ko 'yung pawis sa dibdib at likod niya, at paulit-ulit na dinaanan 'yung utong niya?

Alam din kaya niya nu'ng nakapatong ang kamay niya sa dibdib ko, at 'yung hita niya ay nakadantay sa harapan ko na unti-unting tumigas?

"Mag-aalas-sais na. Uwi na 'ko." Hindi ko na inubos 'yung kape ko. Tumayo na 'ko para umalis.

"Dalhin mo na lang 'yung kotse. Tinatamad na akong mag-brief para lang ihatid ka."

"Hindi na. Magta-tricycle na lang ako. Wala kang gagamitin dito."

"E, 'di ibalik mo mamaya."

"Hindi nga pwede. Andami kong tse-tsekan na test papers. Hindi ko pa nauumpisahang sulatin 'yung final exams para sa mga klase ko."

"Dito ka na lang magtrabaho. As if naman makaka-trabaho ka sa inyo, e, ang ingay ng mga pamangkin mo."

* * *

Nang dumating ako sa bahay, alas-sais na. Hindi na nagtanong sila Nanay kung saan ako galing. Nagtaka lang sila kung bakit dala ko ang kotse ni Jimmy.

Hindi na ako sumabay sa almusal. Wala akong gana.

Wala rin akong ganang mag-shower. Pagkahubad ko ng damit na suot ko magdamag, hindi na rin ako nagsuot ng pambahay. Nahiga akong nanlalagkit sa pawis at naka-briefs lang.

Wala rin akong ganang antukin at matulog.

Nakadilat lang ako nakatingin sa kisame. Pero wala naman talagang iniisip.

Inuulit-ulit ko lang pakiramdaman 'yung dampi ng pisngi n'ya sa pisngi ko, 'yung labi niya sa tenga ko at 'yung labi ko sa tenga niya, 'yung amoy ng leeg niya, 'yung tigas ng dibdib at likod niya, 'yung pagtayo ng utong niya.

'Yung bigat ng kamay niya sa dibdib ko. 'Yung hita at tuhod niya sa harapan ko.

'Yung amoy ng cologne at pawis niya na nahaluan pa ng beer.

* * *

Tinatawag na ako nila Nanay para mananghalian. Alas-dose na pala. Hindi pa rin ako makatulog.
.

Friday, March 18, 2011

Gitna [Part 01] : 'Wag Kang Gullible

1:13PM

"Masyado kang gullible. Huwag kang basta-basta naniniwala sa mga nababasa mo sa dyaryo tsaka sa internet. At hindi lahat ng nasa tv at radyo, totoo," sabi niya sa 'kin, sabay tawa nang malakas. Nang-iinis.

Pero hindi ako naiinis. Sobra akong proud at pikon na tao. Pero kapag sa kanya, hindi ko kayang sumimangot. Sa halip, natatawa rin ako kasabay n'ya.

Bago ko lang kakilala si Jimmy. Pero pakiramdam ko, matagal ko na s'yang kilala. Mukhang ganu'n din naman s'ya sa akin.

Halos magkasing-edad lang kami. Bente-kwatro ako, bente-singko siya. Mula pagkabata, marami nang nagsasabi sa akin na driven ako, hindi tumitigil sa kaaaral at katatrabaho, kaya naman hindi kataka-takang halos mapuno ng mga medal at plake ang dingding ng bahay namin. Pero nang dumating sa lugar namin si Jimmy, taob ako.

Kung marami akong achievements, mas marami siya. Kung masipag ako sa tingin ng mga tao, mas lalo siya. Araw-araw, gumigising ako ng alas-sais ng umaga, pero magkakape muna, magbabasa ng dyaryo, makikinig sa iPod. At halos alas-otso na bago ko simulan ang araw ko. Pero si Jimmy, paggising ng alas-kwatro, nagkukumahog nang magsulat sa notebook niya habang nagkakape. At eksaktong alas-singko, nakaligo na, nakabihis at handang nang sumabak sa araw.

Math teacher ako dito sa isang high school sa bayan namin sa Nueva Ecija. Si Jimmy ang bagong assign na Hepe ng pulis.

Sembreak last year nu'ng ipinasundo ako ni Mayor sa bahay namin. Pagdating sa munisipyo, sinabi niya sa akin na tutal ay kabisado ko ang pasikut-sikot ng buong bayan namin, at dahil na rin gusto niyang magbigay ng magandang impression, ako na ang mag-tour sa bagong hepe namin. Baka raw may mapag-usapan pa kaming mga project.

Okay lang naman sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na ako ang maatasang mag-estima sa mga bisita ng bayan namin.

Doon ako ipinakilala sa bagong hepe. Kay Jimmy. Napahiya pa 'ko. Akala ko kasi bodyguard lang siya, o alalay. Siya na pala mismo 'yun. Masyado kasing bata. 'Yung papalitan n'ya, inabot ng pagre-retiro sa pwesto.

Nu'ng iabot niya ang kamay n'ya sa akin, doon ko s'ya napagmasdan nang husto. Mas matangkad sa akin ng ilang pulgada. nasa 5'8" ako. Sa tingin ko nasa 5'10" o 5'11" siya. Ayos naman ang katawan ko. Toned nang konti ang muscles, batak lang sa pagiging active at hindi dahil naggi-gym. Siya, mas malaki nang bahagya ang katawan. Semi-kalbo ako lagi dahil kapag humahaba na ang buhok ko, ang hirap ayusin kasi kulot. Siya straight ang buhok, at mahaba nang bahagya. Pero maikli sa gilid at likod kaya malinis tingnan. Mas maputi ako nang bahagya kumpara sa kanya.

Maraming nagsasabi mula nu'ng maliit pa ako na lagi akong mukhang malungkot. Kahit daw 'pag tumatawa ako, mukha pa rin akong iiyak. Parang ang lalim lagi ng iniisip. Nami-misteryosohan tuloy sa akin 'yung mga tao. Akala tuloy nila, profound akong tao.

Pero si Jimmy, buhay na buhay. Laging nakangiti, laging masaya, laging tumatawa. Lagi mukhang nang-iinis.

Pagkaalis namin ng munisipyo, nag-uusap pa kami. 'Yung mga usual ng walang wawang bagay-- taga-saan ka, dito ka ba ipinanganak, saan ka nakadestino bago ka napunta ka rito, saan dito sa bahay n'yo...

Nang pinaandar ko na ang kotse, nahinto na rin ang pag-uusap namin. Walang nagsasalita. Para kaming hindi magkakilala.

"Dito ang simbahan... ito 'yung elementary school... ito naman ang high school... ito 'yung isa pang high school... d'yan ang daan papuntang highway... kung kakaliwa, papuntang Manila... may ilog sa likod ng mga bahay na 'yan..."

Tapos ay tigil na ulit ang usapan.

Pero habang-daan, may naaamoy akong mabango. Hindi ko cologne 'yun. Hindi rin car freshener. Isang amoy na bago pero masarap sa ilong. Amoy cologne at pawis na pinaghalo. Pero mabango. Amoy malinis. Amoy lalaki.

Hanggang maihatid ko ulit siya sa munisipyo para kunin naman niya ang kotse n'ya, halos hindi pa rin kami nag-uusap.

"Salamat, ha? 'Sensya na sa abala," sabi n'ya sabay abot ng kamay.

"Okay lang 'yun. Una na 'ko"

Tumalikod na 'ko para bumalik sa kotse ko. Nang bigla n'ya akong habulin.

"'Nga pala, saan pala ako dito pwedeng uminom mamaya?"

Napaisip ako. Hindi kasi ako lumalabas para uminom. Usually sa bahay lang namin o sa bahay ng kaibigan. Kaya hindi ko alam kung alin du'n sa mangilan-ngilang kabaret 'yung pinaka-okay.

"Hindi ko alam, e. Baka 'yung..."

"Samahan mo na lang ako ulit mamaya. Tingnan natin kung saan okay. Mga two rounds lang. Pampaantok."

* * *

Pero hindi lang two rounds ang nainom namin. Inabot kami ng alas-dos ng umaga. Kinailangan pa kaming pakiusapan nu'ng may-ari ng kabaret para umalis kami.

At pumunta pa kami sa 24-hour grocery store sa kabilang bayan para bumili ng beer. Ipinarada namin 'yung kotse n'ya sa may maliit na kalsada sa may palayan. Doon namin inubos 'yung beer na binili namin. Doon ko nalanghap ulit 'yung amoy na naamoy ko sa kotse ko kanina. Doon niya sinabi sa akin na may asawa na siya at dalawang anak na nasa Paranaque. Doon ko inamin sa kanya na tatlong taon na akong single dahil 'yung girlfriend mula high school ay nabuntis at nagpakasal sa ibang lalaki. Doon ko nalaman na 'yung bango ng pinaghalong cologne at pawis na kanina ko pa nalalanghap ay galing sa kanya. Doon niya sinabing dapat ko nang kalimutan 'yung ex ko. Doon ko napansin na maganda 'yung ngiti n'ya.

Doon na ako sumuka.

Doon na kami nakatulog.

* * *

Doon na na-break 'yung ice sa amin. Mula noon naging komportable na kami sa isa't isa. Halos araw-araw kaming magkasama-- sa socio-civic projects namin, sa events sa lugar namin kung saan pareho kaming naiimbitahan, sa inuman.

At kaninang tanghali nga, napansin niyang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga kinukwento n'ya kung gaano kalalim at ka-intricate 'yung sistema sa gobyerno. Kung bakit hindi mahihinto ang jueteng nang tuluyan, kung sino ang totoong kumidnap kay ganito, kung sino ang totoong pumatay kay ganyan, kung paanong nanalo si ganitong kandidato, at kung anu-ano pa. Siyempre pulis siya, alam niya ang pasikut-sikot sa pulitika.

"Masyado kang gullible. Huwag kang basta-basta naniniwala sa mga nababasa mo sa dyaryo tsaka sa internet. At hindi lahat ng nasa tv at radyo, totoo," sabi niya sa 'kin, sabay tawa nang malakas. Nang-iinis.

Pero hindi ako nainis. Nakangiti rin ako. Pero hindi dahil natatawa ako. Nakangiti ako dahil natutuwa ako kapag nakikita ko siya. Lalo na kung masaya siya. Lalo na kung masaya siya na kami ang magkasama.

Pero tapos na ang lunch break. Kailangan ko nang bumalik sa school. May klase pa ako.

"Ano, kita tayo ulit mamaya?" Tanong niya bago ako makaalis.

"Ang dami kong tsetsekan na test papers, e. At kailangan ko nang tapusin ang final exams para sa mga estudyante ko."

"Grabe naman. Sabado bukas."

"Sabagay. Sige. Kitakits mamaya."

"Daanan kita sa inyo. Don't worry, two-rounds lang."
.

Thursday, March 17, 2011

Who Am I?

I can say my name. But I'd rather not. Not because I am ashamed of who I am. Not because I choose to stay in the dark. Not because I want anonymity.

I can say my name, but that wouldn't say much about who I am. If anything, that would only make knowing me more difficult.

I like my name. But I didn't choose it. My parents did. Either they thought it was the name that best fit me, or it was the first name that came to mind when they had to register me. I don't know. And I don't really care.

I like my name. But I'm not sure if, given the chance, I'd choose it for myself. But I like my name- so, I probably would. But with a different variation in the spelling.

Names are words and symbols. They conjure images, they mean things that don't necessarily say anything about the person. These a priori meanings in names only give out irrelevant previews that might become
hard to overcome and overlook in the process of knowing someone.

So in saying who I am, I won't say my name.

Neither will I say how old I am, where I live, where I was born, where and if I finished college, what I do for a living...

These are data about a person. But they are not the person. Only lazy people bother to ask these information. These bits and pieces should be left to the census and demographics experts.

In knowing a person, I believe, we should concern ourselves more with things that can't be quantified, things that can't be graphed and analyzed using cold numerics, things that no one else could know and
understand.

We should focus more on the intangibles- on feelings, dreams, fantasies, fears, plans, hopes, loneliness, happiness.

These are the things that matter.

So, who am I?

I am a male. I am queer. Previously, I identified as bisexual. Like most people I know who don't fit the hard and square categories of straight or gay, I don't like labels. I never wanted to be identified as straight because I didn't want to limit myself to women. And I didn't want to be labeled as gay because I didn't want to limit myself to men, either. But people needed names and labels. And I must admit I was forced to adapt a category. Bisexual was the only available box for me then, so I jumped into it. But now that queer's available, and I think it fits me better so I'm it.

But given the opportunity to just be myself, I'd still say "the hell with labels."

Oh, please don't accuse me of being in the closet, or being confused.

I'm neither. If you're a Gay Pride regular, you would have probably seen me a few times-- on and off stage. Yes, I'm quite visible in that arena. Also, I have brought home and introduced to my family and friends both male and female partners. And I loved and had wonderful sex with all of them.

I have done a lot of things- both good and bad- mostly on my own. I live alone. I feel constricted living with other people. That was partly the reason I left home right after high school.

But I love my family. And I see them as often as my busy schedule permits.

I am more comfortable being alone. Although I must admit that there are times when I get a little lonely. But it's not something that dinner with family, movies with friends, a drink with colleagues, or a good book can't appease. Sometimes getting intimate with other people do the trick. However, there are moments of vulnerability when I fall off the wagon and get into relationships. Only to realize too late that buying a cow for a glass of milk is not a wise move.

I am afraid of heights. They make me feel small, and not in control. I don't like losing control. I like taking everything slow-- so long as I already know the output. But if the future is uncertain, I can get really impatient.

I don't understand people who complain about getting bored. I wish I had more time to do the things I want to do- read, write, listen to radio, watch tv, surf the net, clean the house, do the laundry, buy grocery, cook, eat, eat out, shower, watch movies, go to the gym, shop, sit or lie down anywhere and just think and fantasize, have sex, masturbate... With these and a million other activities, how can one get bored?

I'm a choco-holic, and addicted to sweets. I love japanese and filipino dishes, and not crazy about chinese and korean food.

I'm a creature of habit. I drive the same route, I buy the same brand, I eat the same food, I go to the same restos, I wear the same clothes, I browse the same websites... over and over again.

Until, of course, I get introduced to something different. If I like it, then my routine changes a little. And then it becomes routinary again.

So, who am I?

I don't know. I'm still in the process of discovering myself.
.

Wednesday, March 16, 2011

PsychoErotic

Because we all are.

In constant battle for Balance--
for the masculine and the feminine
the Ying and the Yang
the pure and dirty
the prude and the kitsch
the intelligent and the sensual

the brain and the groin

in us, in all of us.

It's about time we admit

that we are all

PsychoErotic.
.